Wednesday, October 1, 2008

bulawan online: oktubre 2008

the latest issue of bulawan online is now available.

if you don't know what bulawan online is all about, read the introduction below.

i'm announcing this here because i am part of the bulawan online staff (this in spite of the fact that i do not write in filipino. haha). i take care of the buklatan section, so if you have a new book out, or you've just read a great book and you want us to feature it in the buklatan section, drop me a line. the current issue features books by rio alma, abdon balde, and vlad gonzales. they're all writers in filipino, but this doesn't mean we're not open to books in other languages. the previous issue included jose dalisay's novel in english, soledad's sister.


Ang Bulawan Online ay isang lathalaang pampanitikan at nakabukás nang pangunahin para sa mga makata, kuwentista, at tagapagsalin ng tula at maikling kuwento. Nakabukás din ito sa mga pagsusuri ng aklat pampanitikan at pagtalakay sa mga paksang pampanitikan. Tuwing dalawang buwan, ilalabas sa lathalaang ito ang napilìng katangi-tanging tula, maikling kuwento, at salin nang may kalakip na komentaryo.

Sa ganitong paraan, nais ng lathalaang ito na pasiglahin ang mga makata’t manunulat at makatulong sa pagpatnubay ng pagsulong ng panitikan ng Filipinas, lalo na ng panitikang nakasulat sa wikang Filipino. Hinahangad din ng lathalaang ito na makapag-ambag ng mahusay na babasahing pampanitikan para sa mga estudyante’t guro ng wika at panitikang Filipino. Ang pagbibigay naman ng pagsusuri sa mga ilalathalang akda ay isang paraan ng paglinang sa kritikal na pagbása ng panitikan at pagdudulot ng gabay hinggil sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral sa isang akda. Sa kabuuan, nais ng Bulawan Online na magtaguyod ng Panitikan para sa Dangal ng Bayan.

Ang lathalaang ito ay handog sa bayan ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Nanunungkulan siyang Punòng Editor at kasáma sa Lupon ng mga Editor sina Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera, at Fidel Rillo. Mga Kagawad sina Phillip Kimpo Jr., Sophia Lucero, Eilene Narvaez, Ernanie Rafael, at Jose Claudio B. Guerrero.